top of page

W e d n e s d a y ,  O c t o b e r  2 5 ,  2 0 1 7

Epiphany

07

When almost everyday we hear of drug busts, rapes, robberies, and suchlike, we can't help but think what has gone wrong with our society today. Every human being has granted the right to be free and just and has given the opportunity to gain wisdom from one another. But whatever steps we take forward, they take us back as human beings. When is the perfect time to carry out such a drastic change in our country in order to obtain a just and humane society? What is the most effective way to give us the right fear that we forgotten? So forgotten that makes us do the wrong things with confidence and pretend that it is expected and just the way things are. It made me sick and the fact that I can’t force others to be a better version of them makes me want to just not care and be an apathetic person but that’s when the tiniest spark of hope and faith in humanity has gone. Everyday we see so many different sides on the news whether it is the right thing to do or not and everyday we’re forced to fear the unknown for we are the citizen that suffers.

"Tulak"

 

Bago pa man ang lahat, nais kong simulan ito sa isang pagpapakilala at sa isang mumunting paalala, 
"Wag tularan, Pusher ako!"
Bata pa lamang ako nang ako'y abandunahin
Ng aking aking ama't ina na dapat siyang gumagabay at nag-aaruga sa akin
Ano ba ang dapat kong gawin?
Saan na nga ba ako nito pupulutin?
Mga katanungang paulit-ulit na gumugulo sa aking isip at damdamin
Paulit-ulit, paulit-ulit, paulit-ulit, na maski sa dulo ng tulang ito, hindi mo alam kung saan pupulutin
Pupulutin ang mga sagot sa mga katanungang kay hirap sumahin.

Ngunit! Isang araw ako'y nagising
Kasabay ng pagsikat ng araw ang pag-usbong ng bagong pag-asa para sa akin
Masaya at buong giliw kong binabaybay ang pagbabago
"Ayos! Nakakabangon na ako." Bulong ko pa sa sarili ko
Konting-konti na lang, konting-konti na lang, konting-konti na lang
Ngunit... Isang gabi lamang din pala ang tatapos ng lahat
Lahat ng pag-asa at lakas na kay tagal kong inipon ay mauuwi rin palang lahat sa wala
Masyadong mabilis ang mga pangyayari
Kasabay ng aking pagbagsak sa lupang hindi ko pa natutungtong nang lubusan, ang paghinto ng mga gulong ng karitong aking tulak-tulak
"Wag tularan, Pusher ako!"

bottom of page