top of page

S u n d a y ,  O c t o b e r   1 5 ,  2 0 1 7

Life Journey

04

"Don't just exist. Live!" Mga katagang tila nagpamulat sa akin, dahilan para kwestyunin ang aking sarili at pagkatao. Sino nga ba ako? Ano nga ba ang layunin ko sa mundong ito? Bakit nga ba patuloy pa rin akong nabubuhay, para saan at kanino? Dumating pa sa punto na I feel like I'm just existing and not living my life. Yung tipong gigising ka sa umaga, gagawin yung mga bagay na paulit-ulit mo na lang ginagawa sa araw-araw. Para bang nabubuhay ka na lang hindi dahil gusto mo kundi kailangan mo. Pero sa kabila ng lahat, mahirap man sumahin ang mundong ating ginagalawan, kailangan matuto tayong balansihin ang bawat bagay.

Life has never been so easy. Dumarating tayo sa punto kung saan naiisip na nating sumuko, na para bang wala ng pag-asa at solusyon sa mga problemang pinagdaraanan natin. Minsan pa nga, may mga pagkakataon rin na naiisip natin na para bang hindi na tayo masaya sa mga bagay na ginagawa natin, wala na yung essence at excitement. Marahil ang dapat nating unang gawin ay ang kilalanin at mahalin ang ating mga sarili. Dahil sa pagkakataon rin na 'to, mas malaki ang tyansa na mas maunawaan at maintindihan rin natin ang ibang tao. Pangalawa ay ang pagtanggap na hindi lahat ng bagay ay aayon sa nais o gusto natin. Na ang buhay ay sadyang mapaglaro at ang sumuko ay ang siyang talo. Panghuli, talk to God. Anuman ang sitwasyon, masaya ka man o hindi, kausapin mo Siya. Dapat hindi ka lang physically and mentally healthy, dapat spiritually rin. Alamin mo yung mga bagay na makapagpapasaya sa'yo, gawin mo ang mga ito nang wala kang natatapakan na kahit na sinuman. Never stop learning and exploring the world. Know your worth and principles.  Live your life to the fullest.

bottom of page